Awit ng PPMS
*Titik ni Delfin Santos, MD
I
Iisang mithiin, nagbuklod sa damdamin
Maglingkod sa bayan ating adhikain
May sakit ay lunasan, kirot ay pahibsan
Ito’y sa Diyos pangakong sinump’an
II
Sama-samang tumayo, sama-samang sumigaw
Kami’y manggagamot sa mundong ibabaw
Nakahandang maglingkod kahit ikamatay
Pagmamahal sa madla’y walang kapantay
KORO:
Pasay, Parañaque
Samahang pinagpala
Handang tumupad sa mga adhika
Mga piling kasapi may budhing dakila
May gintong katangian sa isip at gawa